Bago pa mahuli ang lahat, akin ng pinasok ang karton na nglalagay ng aking pangalan. Pamilyar na ang tunog na iyon, parang isang "click" lang at kusa na syang aangat. Hay! Teknolohiya nga naman...Pero syempre bago makalimutan kelangan din munang magrehistro sa "kompyuter". Ganyan nga para walang dayaan, at para walang nadadaya.
Tinahak ko ang pasilyo at dali-daling kinuha ang puti kong "mug" at ang bago kong kutsara. O teka lng baka makalimutan ang instant spicy tuna sandwich ko direct from the locker. Nagtataka ka noh? Sus, baka gusto mo lang makatikim nun eh.
Heto na nga ako, sa pugad ng mga hi-tetch na makinilya...
"Speaking of the..." o wag mo na ituloy andito na ako...akala ko kung ano lang ang sasabihin ng mga kamekaniko ko...
Tae! Kay aga eh kwentuhan ka ba naman ng "horror?!" walang kaso sana iyon. Kaya lang meron eh!
Gabi na iyon, maririnig ang lakas ng tikatik sa haytetch na makinilya. Dahil siguro sa pagtataka sinilip kung meron pa bang nagtatrabaho sa mga oras na iyon. At laking gulat ng makita ang makinilyang mabilis na tumataas at bumababa ang bawat letra. Saan kamo? Dito, dito mismo sa mga pinipindot ko.
Pinangilabutan ako sa aking narinig at hindi ko napigilang huwag mapasigaw. Mantakin mong meron pa palang gumagamit ng haytetch na makinilyang ito tuwing gabi?! Kung ikaw ang makakarinig nun, ewan ko na lang kung anong gagawin mo.
Lalo pang pinatindi ang takot, kaba at nerbyos na ngayon ko lang napagtanto na magkakaiba pala dahil dito:
masinsinang usapan namin ni Ryan...
At heto nga andito pa rin ako nakaupo sa harap ng makinilyang ito. Tuloy sa tikatik, ker na kung sa biglang tingin ko ay umaaangat na lang ang mga letra ng makinilyang ito.
Sadyang puno ng kababalaghan ang pugad na ito. Marami kang kwentong maririnig na siguradong magpapatayo ng mga balahibo mo. Mga pangyayaring puno ng mga katanungan kung paano, sino at bakit may mga nagaganap na ganito. Mga katanungang ang kasagutan ay nababalot pa rin ng kababalaghan.
Kung ika'y matapang, sige saliksikin mo ang mga kababalaghang ito ng balutin ng kasagutan ang iyong mga agam-agam.
Humayo ka sa pagtuklas ng kababalaghang bumabalot sa pugad ni Em, Bee at Ess...
3 comments:
sbi ko nga sau night shift lng un, hehehe! eleanor plan.. gusto ka nya sguro maging friend. bsta sya na bhala kang 100% mo, mag quota ka lng per day.. pag weekend mski maghapon pa sya.
oo magdala ka na rin ng pillow na red like mine.. si ms.bigbang mdara naman an, hehehe! bta paint nya daang red ang chair nya
whaah!! kakatakot man bta til 6 pm ako sbay kta uli!!
I was surprised to see our conversation. Grabe.. I appeared like a paranormal expert tuloy. hehehe... Anyways, Eleonor and I had a talk.. She said she wants ur body, too. Jambalaya pare ang multo! No wonder… pirmi ka pare nakulkol… Do u feel her warmth, pare? - Ryan
parengks! ika na sana magpakulkol! dehins q like waaaahh!!
Post a Comment