Sila ang tinatawag kong "keepsakes ni em, bee at ess". Heto na kinabog na naman ang dibdib ko ng keepsakes na ito. Siguro'y nanabik na kayong malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kabog na ito...
Halikayo at ibubulong ko sa inyo...
"Minsan isang araw, at gaya ng nakagawian hindi na naman ako nakapaghigop ng kape sa aming barong-barong. Pagdating ko sa pugad ni Em, Bee at Ess, dali-dali kong tinahak ang pantry, sinilip ang laman ng keepsakes ni Em, Bee at Ess. Hulaan niyo ang nakita ko....naks! galing mo tsong! sakto! exactly! nakusit mo nanggad (lengwahe ni halley)...
Ang nakita ko ay si Wala! Wala wala wala akong nakita! paksy*t!
Isang araw naman, siguro naawa si Em, Bee at Ess kasi laking gulat ko may laman na ang keepsakes ni Em, Bee at Ess...heto naman hulaan niyo?
tadaaaan....Kape! Coffee! L*ntek na...
Subukan mo ngang higupin yan ng walang asukal! gawin kong pulbos 'yan sa pagmumukha mo eh!
Natakot siguro sa banta ko, isang umaga talagang may laman na ang keepsakes ni Em, Bee at Ess. Asteeeg! Kumpleto ang laman. May creamer sa keepsake #1 (iyong bang may takip na dugyuting platito?), sa keepsake #2 naman nakalagay ang asukal (eto naman yung may takip na transparent na plastic container, yung bang pang salad?) ewan ko kung sinong may mabuting loob na nagdoneyt noon, at sa keepsake #3 naman nakalagay ang kape (buti na lang hindi pa inaanay ang takip nito)...
Ayan napaghalo ko rin ang pinakamimithi kong creamer, kape at asukal. Pagkatapos, tinulak ko yung gatilyo na kulay pink at bumuhos na ang tubig. Hinalo halo ko yung coffee with creamer ng hawak kong kutsara habang nglalakad pabalik sa aming pugad. Sa aking pag-upo parang sabik na hinigop ko ang tinimpla kong kape...
"Pweeeee!!!" napangiwi ako! Isa pa ngang paksy*t dyan! Para malaman mo, hindi mapait yung timpla ko, hindi rin matamis. Tama lang yung pagkakatimpla...Tae! Hulaan mo nga ulit kong anong deperensya nito?
Iyong intensyon na magpainit ng sikmura ay naging isang malameeeeg na kape! Hindi ako namali ng pagtulak ng gatilyo. Pink yun! Pero ang tanong, bakeeet malameeeg kang lint*k na kape ka!!!
Ngayon, sumagot ka! "Deal or No deal?"
3 comments:
musta naman yun?!
saksi ako sa pghihirap at sa inis ni kristelle ng dahil lang sa kawalan ng kape sa em-bee-ess. hindi ako mkrelate sa emosyon nya dahil hindi ako ngka2pe, hehe..
ng may kape na, laking tuwa ni
kristelle na tinungo ang pantry dala ang kanyang puting mug. ikinatu2wa ko na sa tinagal tagal na paghihintay ni kristelle, nkpagtimpla na rin sya sa wakas ng kanyang kape. sana lang ay magtuloy-tuloy na ang donasyon ng kape.
hehe. =)
hahaha... mag 3-in-1 ka nlng tsang! hahahaha... kundi milo... pro dai mo pgdurudiretsuhun na 2 semana ta baad mag-irigit ka... take it from me...:->
Post a Comment